Posts

Showing posts from February, 2009
Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang magtrabaho. A. Una ay umabsent. 1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran pagkagising pa lang sa umaga ay mag-isip ka na kaagad ng palusot kung bakit ka aabsent. Paalala: dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing. 2. Kapag nakaisip ka na ng magandang dahilan ay agad mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the better. Kung ayaw mo ng madaming tanong e mag-text ka at kung nais mo namang tumawag ay siguraduhin mong magaling kang umarte kagaya ng kung ikaw ay kunwaring me sakit ay umubo ka ng paunti-unti habang kinakausap ang bossing mo. 3. Matapos mag-text/tumawag ay bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw. Sya nga pala, kapag tumawag ang opisina ...